Sa kadahilanan na mabilis kasi akong mabato,
Tula naman ang aking ihahanda para sa inyo.
Ito ay kahit papaano ay aking susubukan
Subali’t isang mahusay na makata ay siguradong ‘di ko matutularan.
Ang SONA ay aking napusuang pagmasdan
Sapagkat ito’y isang talumpati na tunkol sa ating bayan.
Ikinuwento ng Pangulo ang ating estado
Pati na rin ang 10 milyong kape para sa taga PAGCOR, na malamang mga dilat pa ang mga ito.
Ipinakilala rin niya sa taumbayan ang bago nating Ombudsman.
Isang maprinsipyong babae na problema sa korupsyon din ang ipapasan.
Si Justice Conchita Carpio Morales ang kanyang magandang pangalan.
Isang babae na may integridad at hinahangaan.
Maliban pa dito ay ang iba’t ibang proyekto
ang kanyang isinaad na kanilang iuunlad.
Isa na rito ang pantawid pamilya na pondo
At ang monorail transit na kanila’y binubuo.
Naisama rin sa kwento ang buwis na ine-eskapo
ng ibang mga negosyante, doktor at abogado.
P5,783 lang daw kada taon ang binabayad nila sa gobyerno.
Aba’y daig papala sa ‘minimun-wage’ ang kinikita ng mga ito.
Nakakalunkot din ang aking nabusisi,
Isang doktor ay siya ring naninilbi
Ngunit pagdating sa singilan ang P1,000 naging P1,120
Sa kadahilanan lang na ang pasyente ay resibo’y hinihingi.
Aba’y ngayon ko lang nalaman
Na may presyo na pala ang kanilang sinusulatan.
Isang simpleng papel na dapat talaga ay tayo’y bigyan
Kung kaya’t isang salita na lamang ang na buntunhininga sa mga ganyan.
Naman…
Syempre maraming doktor at abogado ang dapat tingalaan
Kung kaya’t sana ang mga baluktot ay hwag isira ang kanilang pangalan.
Tama na ang praktis ng ‘tax-evading’
Upang sa gayo’y ang bansa natin ay malayo ang mararating.
Kung anu-anong struktura na lamang ang ginagawa ng aking tula.
Sana’y hindi magalit ang mga tunay na makata
Ngunit ito’y itutuloy ko hanggang buo na ang kwento
Tunkol sa napagmasdan ko sa SONA ng ating Pangulo.
Ang SONA ni PNoy ay isa lamang paalala
Na tayo’y mga Pinoy ay kailangan ng ating bansa.
Ngunit kung siya lang aasahan, mahihirapan ipabago.
Dapat tayo’y magkaisa sa matuwid na daan na ito.
Maraming pang nakahain
Marami pang dapat gawin
Ngunit para tayo’y sumulong
Positibong ugali raw ay makakatulong.
Kung kaya’t tayo na
Ika nga nang aking nabasa
Tama na ang sigaw na ‘Ibagsak!’
‘Itayo!’ naman ang ating ibandera.
No comments:
Post a Comment